Untitled (Chapter 3)

Kumakain ng tanghalian si Cindy sa restaurant malapit sa opisina ng kanyang trabaho ng mapansin niya ang isang lalaki sa kabilang restaurant na nakatingin sa kanya. Halos maaninag niya ang mukha ng lalaki dahil magkatabi lang ang restaurant na pinagkakainan din nito. Palihim itong tumitingin sa kanya ngunit di nagtagal ay nahuli niya din ito. Naalala niya ang mukha ng lalaki hindi lang siya sigurado dahil mejo malayo ito sa kanya at medyo natatakpan ng sombrero ang mukha niya. Alam niyang sinusundan siya nito halos araw-araw. Gusto niyang kausapin at tanungin ito kaya lang natatakot siya dito.

Ilang araw na ring sinusundan ni Paul si Cindy. Alam niyang kilala siya nito at nakikita siyang sinusundan sundan siya. Ngunit wala siyang lakas ng loob na lumapit at kausapin ito. Samantala, isang larawan ulit ang pinadala sa kanya ng hindi kilalang tao at sa inaasahan niya, wala naman itong kasamang sulat. Sa pagkakataong ito ay isang batang babae ang nasa larawan.

Mayaman ang boyfriend ni Cindy. May-ari ito ng isang malaking kumpanya. Ngunit biyudo na ito at may anak na babae na isang hayskul. Mataray si Jean sa kanya at hindi siya nito gusto.Ayaw nitong mapng-asawa ng daddy dahil masyado daw itong bata sa kanya. Dalawampu’t walong taong gulang na si Cindy samantalang si Alfred naman ay nasa 40’s na. Malayo ang agwat ng edad nila ngunit mahal na mahal nito si Cindy. Isang araw pagpasok ni Cindy sa trabaho ay nakatingin sa kanya ang lahat ng katrabaho niya, pinagtsitsismisan siya nito at pinagsaalitaan ng masama palihim. Pumatol daw ito sa boss nila para makuha ang pera ng boss niya. At ang may pakana nito ay walang iba kundi ang anak ng boss na si Jean.

Parang bumalik kay Cindy yung panahong nangyari ito sa kanya. Pinagtatawanan at pinagsasalitaan ng masama. Hindi niya pinansin ang mga tao sa paligid niya at palihim na inirapan si Jean. Sa tingin pa lang ni Cindy ay halatang may binabalak na masama ito sa dalaga.

Gabi na ng makauwi si Cindy sa bahay niya. Nagulat siya ng may makitang tao na nakaabang sa gate ng bahay niya. Nakita niya si Inspector Jaime na tumitingin tingin sa paligid ng bahay niya. Binati siya nito ng isang maganda at magalang na pagbati.

“Magandang gabi Cindy.” Magalang na bati ng Inspector.

“Magandang gabi rin sayo. Sino ka at anong kailangan mo?” tanong ni Cindy.

“Ako si Inspector Jaime Vargas.” Diretso kuha sa lisensya at ID niya at itinutok sa mukha ni Cindy.

“May mga kailangan lang akong itanong sayo.” dagdag pa ng inspector.

“Pasok ka muna sa loob.” sagot naman ni Cindy.

Nakaupo na si inspector sa sala ng bahay ni Cindy ng alukin siya nito ng inumin.

“Juice o coffee?” pang-aalok ni Cindy.

“Tubig na lang. Salamat.” marahang tugon naman ng matanda.

“Ilang taon din tayong hindi nagkita. Inspector ka na pala ngayon!” baling ni Cindy sa kanya sabay abot ng tubig.

“Mabuti naman at naalala mo na ako. Pagkatapos ng mahabang panahon ngayon ka lang nagpakita.” Sabi naman ng inspector pagkatapos uminom ng isang basong tubig.

“OO naman. Tinulungan mo ako dati diba? Pagkatapos ng nangyari sa nanay ko. Nakalimutan ko yatang magpasalamat sayo inspector. Salamat.” Sagot ni Cindy sa matanda.

“Walang anuman yun. Obligasyon kong tulungan ka at ang nanay mo. Kaya pala ako pumunta dito para sabihin sayo na nakita ko si Paul nung isang lingo sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Kilala mo pa ba siya?”

Bigla naman natahimik at nag-isip si Cindy. Ngunit mahinahon nitong sinagot ang matandang pulis na naalala niya si Paul.

“OO naman. Naging mabuting magkaibigan kami ni Paul at itinuturing ko pa rin siyang isang matalik na kaibigan hanggang ngayon. Pagkatapos ng masasamang nangyari sa buhay naming hindi ko na alam ang nangyari sa kanya. Nagpapasalamat ako sayo inspector dinala mo ako sa tiyahin ko. Naging mabait siya sakin. Pinalaki niya ako ng maayos at pinag-aral hanggang makapagtapos ako ng kolehiyo. Naging maayos ang buhay ko sa piling kaysa sa nagging buhay ko kasama ang nanay ko. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sa inyo. Si Paul? Hindi ko alam kung anung nangyari sa kanya pagkatapos ng mga pangyayaring yun sa amin.”

“Nagtatrabaho siya ngayon sa isang bar bilang bartender. Nagkausap kami nungisag lingo at itinatanong ko sa kanya ang tungkol sa nanay niya. Isa kasi siya sa pinaghihinalaang suspek sa pagkamatay ng dating hardinero nila noon. Si Jason. Na nalaman namin na may relasyon pala sa nanay niya. Pero wala pa kaming nakukuhang ebidensya dahil lumalabas na suicide ang nangyari sa biktima.”

“Sa tingin ko hindi yan magagawa ni Paul sa isang taong gaya ni Jason. Mabait na tao si Paul. Hindi siya masyadong palaimik at wala din siyang mga kaibigan. Mahiyain siya at hindi palakausap sa ibang tao.”

“Yun nga ang dahilan kaya pinaghihinalaan ko siya. Sobra siyang malihim at misteryosong tao. Walang masyadong nakakakilala sa kanya kahit ang nanay niya hindi alam ang ugali niya o ang nasa isip niya. Tanging ikaw lang ang may alam kaya nga nandito ako sayo at nagtatanong tungkol sa kanya.”

“Inspector, yun lang ang masasabi ko sa inyo. Matagal kaming nagkasama ni Paul at matagal din nagkahiwalay. Hindi ko na alam kung anung naging buhay niya, kung sino ang mga nakasama niya. Marami na rin nagbago sa amin. Pero isa lang ang masasabi ko sa inyo, hindi niya kayang pumatay ng tao.”

Umalis ang inspector sa bahay niya at inihatid ito sa gate ng bahay niya. Ngunit sa di kalayuan ay may naaninag siyang parang hugis ng isang taong nakamasid sa kanya habang papasok ng kotse ang inspector. Pumasok siya sa loob ng bahay at umupo na tila ba may hinihintay.

“Alam kong darating ka.” Sabi ni Cindy sa lalaking nakatayo sa pintuan ng bahay niya.

“Inamin mo ba sa kanya ang lahat?” tanong ng lalaki.

“Hindi. Alam mo naman ang plano natin diba. Ayokong masira yun ng dahil lang sa matandang tulad niya.” Sagot naman ni Cindy sa lalaki.

“Nagawa mo na ba ang pinapagawako sayo?” tanong ulit ni Cindy.

“Hindi ko kayang gawin ang pinapagawa mo sa kin, Cindy. Hindi ko kaya ang isang yun!”

“Bakit ano bang pinagkaiba niya sa lahat ng taong pinatay natin? Anong pagkakaiba niya dun sa mayabang at makulit na pulis na kumausap sayo sa bar? Anong pagkakaiba niya sa dating trabahador niyo na kumalantari sa nanay mo?”

“Pero iba ang isang to Cindy. Hindi ko kayang gawin yung pinapagawa mo.”

“Simple lang naman ang pinapagawa ko diba? Hindi mo naman siya papatayin. Tatakutin mo lang naman siya! Gaya ng nangyari sakin dati. Natatandaan mo pa ba? Nung gabing pinatay mo ang ang sarili mong ama para sakin, Paul?”

“Ginawa ko yun dahil sa pagmamahal ko sayo! Alam mo bang hindi ko matiis na makita ang tatay kong pinagsasamantalahan ang babaeng mahal ko! Sa harapan ko pa mismo. Alama mo ba ang sakit! Sakit na naramdaman kong nakikita ang kahalayang ginawa ng tatay ko sayo! Pakiramdam ko kasalanan ko din ang kasalanan ng tatay ko dahil anak niya ako! Ama ko siya! Pinagsisisihan ko ang mga nangyari na sana hindi ko na lang kayo nakita! Na sana hindi na lang siya ang naging tatay ko! Na sana hindi na lang kita nakilala at hindi na lang kita minahal! ”

“Pero ginawa mo dahil mahal mo ako! Akala mo ba ginusto ko ring mangyari yun? Akala mo ginusto ko rin patayin ang sarili kong ina para mapawalang sala ka? Alam mo ba na pinalabas ko pang nagpakamatay siya, gumawa pa ako ng pekeng sulat na wala naman laman at pera para lang utoin ang mga bobong pulis na yun! Galit ako sa kanya sa ginawa niya sakin! Galit ako sa nanay ko! Galit ako sa tatay mo! Galit ako sa pera! Pero hindi ko magawang magalit sayo! Ikaw na anak ng taong sumira ng buhay ko! Hindi ko kaya dahil sobra sobra ang pagmamahal ko para sayo! Sobra sobra kaysa sa nararamdaman kong galit dito sa dibdib ko! Alam mo ba ang pakiramdam kong paano ibenta ng sariling ina para lang makapagbayad ng utang niya? Ibinenta ako ng sarili kong ina sa tatay mo bilang kabayaran sa lahat ng utang ng nanay ko pamilya niyo. Dahil wala kaming perang pambayad, Ako ang nagbayad! Sarili ko ang kabayaran! Paulit ulit! Walang katapusan! Hirap na hirap na ako!”

Niyakap ni Paul si Cindy na halos maubusan na ng hininga sa sobrang iyak at sakit na nararamdaman sa kanyang dibdib.

“Ayokong masira ang plano natin! Malapit na ang katuparan nito huwag mo ng sirain!” umiiyak pa rin si Cindy.

“Tama na! Ayoko na! Huwag na nating ituloy! Magpakalayo na lang tayo at magsama! Yun naman talaga ang gusto natin sa simula pa lang diba?” pagmamakaawa ni Paul.

“Pero paano tayo magsisimula kong di tayo makaalis sa anino ng masamang nakaraan natin? Hindi ko kaya! Hindi ko kayang magsimula ng bago pagkatapos ng maraming taong pagtitiis!”

Umaga na ng makauwi si Paul sa bahay niya. Nakita niya si Inspector sa harap ng bahay niya. Alam niya na ang susunod na mangyayari kaya dali dali siyang tumakbo ng mabilis upang hindi mahuli ng mga pulis na nakabantay sa bahay niya. Nakita naman agad ito ni inspector kaya tumakbo rin ito at hinabol siya.

Madaling araw na ng matapos mahukay ang bangkay ng lalaking may suot na salamin sa ilalim ng tulay. Umaagnas na ang bangkay kaya medyo iba na rin ang amoy nito. Kilala ng inspector ang bangkay. Siya yung lalaking pulis na nagpipilit na buksan ulit yung kaso ng Villanueva Murder Case. Nakita itong isang malamig na bangkay at ilang lingo na ring inilibing sa ilalim ng lupa. Agad agad na naisip at ang lahat ng pangyayari mula sa simula pa lang. Una ang pagkamatay ng unang biktima na si Mr. Villanueva, ang suicide case ng ina ni Cindy, ang pagpatay sa hardinerong si Jason at ito! Lahat ay may koneksyon sa iisang tao! Si Paul! Dali dali siyang pumunta sa bahay niya at hinitay si Paul para arestuhin.

Hingal at pagod na ang nararamdaman ni Paul. Nangangatog na rin ang biti niya sa kakatakbo. Ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Nagtago siya sa isang sulok at sabay tinext si Cindy sa mga pangyayari sa kanya. Umakyat siya sa isang abandonadong building para magtago ngunit nakita siya ng mga pulis. Umakyat siya hanggang makarating siya sa tuktok ng gusali. Natunton siya ng mga pulis at ni inspector. Pinakiusapan siya nitong sumama sa kanya ng mahinahon. Ngunit tinutok ni Paul ang dalng baril sa ulo at nagtangkang babarilin ang sarili.

Dali daling sumakay si Cindy sa kotse ng mabasa ang text ni Paul. Alalang alala siya sa taong pinakamamahal niya. Nang marating ang lugar ay dali dali itong umakyat sa gusali. Saktong nakita naman niya ang pangyayaring babarilin ni Paul ang kanyang sarili. Nakiusap si Paul kay Cindy na itigil na ang lahat at sumuko na sa batas habang nakatutok ang baril sa ulo. Palapit na siya sa pulis para isuko ang sarili ng biglang may pumutok na baril at sabay tama sa dibdib ni Paul. Isang putok pa ng baril at sabay tama sa kabilang dibdib nito. Nahulog si Paul sa mataas na gusali na may tama ng bala sa magkabilang dibdib.

Iyak ng iyak si Cindy ng makitang nagdurusa ang mahal niya. Wala siyang nagawa para mailigtas ito. Ang tanging pangako at plano na lamang nila ang pinanghahawakanniya ditto. Samantala, nakulong naman si Cindy at hinatulan ng panghabangbuhay na pagkakulong sa bilangguan. Ngunit hindi nagtagal ay nagpakamatay din ito! Nagpakamatay siya sa loob ng kulungan gamit ang mga telang pinagtagpitagpi nia at sinakal ang sarili. Tinupad din nito ang pangako nila sa isa’t isa ni Paul na magsasama hanggang sa kabilang buhay at hindi na maghihiwalay kailanman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: